islenska 06.07.06 Blogger: Blog Not Found. ;p
<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4181585125563400164?origin\x3dhttps://jenoiii28.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Monday, September 21, 2009

Wowowee Time! Boom-tarat-tarat! 'Yan ang aking mga salitang narinig bago ko maisip na malapit na naman sumapit ang pasko. 'Yan ang aking narining bago ko isipin na malapit na kaming maghiwalay ng aking mga kaibigan, guro at ng aming pinakamamahal paaralan. 'Yan ang aking narinig narinig bago ko rin maalala ang isa sa mga pinakamasayang pasko ng aking buhay.. yun bang nagkakasiyahan kayo ng iyong pamilya. Nandiyan ang aking mga tito, tita, mga pinsan at ang aking lola. Napakasaya... naalala ko pa yung napili si Januel na maging isa sa mga bigaTEN ng wowowee noong umuwi sila ng Pinas. Kasunod nito ang aming paglilibot sa pinakamalaking mall sa Pilipinas o Asya kasama ang aking mga pinsan. Lahat kami'y sumubok mag-skate sa rink ng Mall of Asia. Humiwalay kami sa aming mga magulang upang kami naman ay makapamasyal at magshopping. Tandang-tanda ko pa na ang magkikita-kita na lamang daw kami sa Bread Talk. Tandang-tanda ko rin na napagod kami sa paglilibot sa paghahanap ng Time Zone. Pumunta kami sa isang resort sa Cavite bago maghiwahiwalay. Nagpalipas ng gabi doon at nagkasiyahan sa tubig.. nagbasketball nang walang mga rules, nagkaroon ng maraming flash ng camera at nagsitakbuhan upang hindi maagawan ng bola. Napag-isip-isip ko ngayon na matagal pa bago iyon maulit. Ako'y nalulungkot ngunit patuloy na umaasa na mas magiging memorable ang susunod na aming pagkikita-kita.

Pasko na naman... unti-unti nang kinakain ng aking kaibigang si Oras ang isa ko pang kaibigan na si Panahon. Panahon na kami'y magkakasama ng Nephythys, choco, NCSHS at mga guro na aking lubos na pinapahalagahan.

Bigla ko na naman naisip na noon ay isa pa lamang akong bata na naglalaro sa ilalim ng init ng araw, may hawak na trumpo o holen. Tuwing walang pasok ay nasa bahay ng aking pinsan at naglalaro ng Bloody Roar at Harvest Moon. Nakasakay ako sa isang maliit na bisikleta, pumupunta sa plaza at bumibili ng Mik-mik, Frutos at tsokolate sa tindahan. Ngayon ay eto na ako.. nakaupo sa harap ng kompyuter, katabi ang mga papel na may mga solusyon sa seat work sa Anageom.
Nakakalungkot dahil hindi na ito maibabalik ngunit natural lamang ito, ganyang nga talaga ang buhay.

'Wag mong isipin na masyado naman akong emo o senti. Iniisip ko lang naman kung ano na ang mangyayari sa hinaharap na alam ko naman na magaganap talaga.


Squeaks` @* 9:56 PM
__________________________________________________________________




About


I'm Not Mickey:P
I'm Frances Jenny A. Ibasco.
a senior student of NCSHS
16 years breathing

BLAHS

sleeping. playing ball.
Chocolates with Almonds :D Coffee.
Ice Cream. Mocha. Concord Cake.
Flash. Animations. Photographs.



Friends




nica | ivy | bert | aldrin | weia | borj | aries | krizzia | angela | kevin | ibasco :P | SCIhigh


Credits


Designed by islenska | Blogger | Blogskins.com


Oh Boy~!









History




June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
November 2010