Pasko na naman... unti-unti nang kinakain ng aking kaibigang si Oras ang isa ko pang kaibigan na si Panahon. Panahon na kami'y magkakasama ng Nephythys, choco, NCSHS at mga guro na aking lubos na pinapahalagahan.
Bigla ko na naman naisip na noon ay isa pa lamang akong bata na naglalaro sa ilalim ng init ng araw, may hawak na trumpo o holen. Tuwing walang pasok ay nasa bahay ng aking pinsan at naglalaro ng Bloody Roar at Harvest Moon. Nakasakay ako sa isang maliit na bisikleta, pumupunta sa plaza at bumibili ng Mik-mik, Frutos at tsokolate sa tindahan. Ngayon ay eto na ako.. nakaupo sa harap ng kompyuter, katabi ang mga papel na may mga solusyon sa seat work sa Anageom.
Nakakalungkot dahil hindi na ito maibabalik ngunit natural lamang ito, ganyang nga talaga ang buhay.
'Wag mong isipin na masyado naman akong emo o senti. Iniisip ko lang naman kung ano na ang mangyayari sa hinaharap na alam ko naman na magaganap talaga.